featured-image

Hindi lang isang pelikula para kay Ruru Madrid ang Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Green Bones.” Para sa Kapuso actor, isa itong pangarap na nagkaroon ng katuparan. Alamin kung bakit.

Sa Instagram post, ibinibahagi ni Ruru ang ilang behind the scene photos at videos sa naturang pelikula na una niyang lead role. “Isang pangarap na kaytagal kong hinintay. Unang lead role para sa ika-50th na taon ng Metro Manila Film Festival at kasama pa ang isa sa mga pinaka hinahangaan kong aktor na si Dennis Trillo mula sa direksyon ni Zig Dulay,” saad ni Ruru.



Hindi raw inasahan ni Ruru na makakasama siya sa itinuturing niyang isang historic project. “Bawat pagod, bawat sakripisyo, at lahat ng paghahanda ay para sa pagkakataong ito,” patuloy niya. Hindi rin kinalimutan ng aktor na pasalamatan ang mga sumuporta at naniwala sa kaniya, kabilang na ang GMA Public Affairs at GMA Pictures, at production companies ng pelikula.

Inihayag din ni Ruru na "isang karangalan" na mabigyang-buhay ang obra ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee. “Malapit na nating makita ang bunga ng ating mga pinaghirapan, at hindi ko na maipaliwanag ang saya. Mapapanood na ito sa mga sinehan sa December 25, 2024,” pagtatapos ni Ruru.

Sa comment section, inulan ng pagbati mula sa fans si Ruru, pati na ang kaniyang girlfriend na si Bianca Umali. “Congratulations mahal ko!!!” saad ni Bianca. Gagampanan ni Ruru sa "Green Bones" ang role ng isang jail guard officer, kasama si Dennis na gag.

Back to Entertainment Page