INAMIN ng Vatican na ikinalulungkot nila ang ilang mga eksena na ibinandera sa opening ceremony ng Paris Olympics 2024 . Ang tinutukoy riyan ay ‘yung nag-viral na “The Last Supper” parody na tampok ang drag queens na ginaya umano nila ang isang biblical scene ni Jesus Christ kasama ang 12 apostol na nagsasalo-salo sa huling pagkain bago ang pagpapako sa krus. Nauna nang nilinaw ng organizers na ang itinampok nila sa performance ay ang pagan feast na pinamumunuan ng Greek god of wine na si Dionysus, pero hindi pa rin nahihinto ang pagpuna ng ilan.

Dahil diyan, naglabas na rin ng official statement ang Vatican at sinabing: “The Holy See was saddened by certain scenes at the opening ceremony of the Paris Olympic Games and can only join the voices that have been raised in recent days to deplore the offense given to many Christians and believers of other religions.” “In a prestigious event where the whole world comes together around common values, there should not be allusions ridiculing the religious beliefs of many people,” wika pa. Baka Bet Mo: Eruption naloka sa ‘Last Supper’ parody ng Paris Olympics, Rica nagtaka Ipinaalala rin sa pahayag na kahit may “freedom of expression” ay kailangang magkaroon pa rin ng limitasyon bilang pagrespeto sa iba.

Kamakailan lang, sinabi ni Turkey President Recep Tayyip Erdogan, na nagmula sa isang Islamic-rooted party, na tatawagan niya si Pope Francis upang ipahayag ang kanyang pagkondena sa nasabing opening ceremony. Ayo.