SPEECH OF PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR. State of the Nation Address 22 July 2024 Introduction The hard lesson of this last year has made it very clear that whatever current data proudly bannering our country as among the best-performing in Asia, means nothing to a Filipino, who is confronted by the price of rice at 45 to 65 pesos per kilo.

Bagamat maganda ang mga istatistikang ito, wala itong kabuluhan sa ating kababayan na hinaharap ang realidad na mataas ang presyo ng mga bilihin, lalo na ng pagkain— lalo’t higit, ng bigas. Totoo, puwersa ng merkado — sa ating bansa at maging sa buong daigdig — ang siyang nagdidikta ng presyo. Bunsod ito, halimbawa, ng giyera, problema sa supply, at puwersa ng kalikasan, tulad ng El Niño na naranasan din sa ibang bansa.

Subalit hindi na ito mahalagang alalahanin ng ating mga kababayang nabibigatan sa presyo ng bigas. Food and Water Security Mahal kong mga kababayan, alam kong damang-dama ninyo ito. Hindi natin winawalang-bahala ang inyong mga hinaing at hirap na dinaranas.

Sa kabila ng mga hamon na ating kinakaharap, nasaksihan natin ang pinakamataas na ani ng palay sa bansa nitong nakalipas na taon. Pumalo ito sa lagpas dalawampung milyong tonelada — ang pinakamataas na ani natin mula pa noong 1987!! Gayumpaman, ang ani na ito ay katumbas lamang ng labintatlong milyong tonelada ng bigas. Kulang pa rin ito para sa ating pangangailangan na labing anim na milyong tonelada ng bigas, kung kaya’t napipilitan tayong mag-angkat.

.