“AKO ang may kasalanan kaya kami nagkahiwalay ni Ricardo (Cepeda) , it was my pride that got in the way of our marriage,” ang diretsong sabi ni Snooky Serna . Sa panayam kay Snooky ni Morly Alino sa vlog nitong “Ito ang Tondo” na napapanood sa YouTube, maraming rebelasyon ang beteranang aktres. Matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Richard at Snooky pero hindi alam ng lahat na ang aktres ang may kasalanan.

Baka Bet Mo: Gardo Versoza nagpakita ng suporta kay Ricardo Cepeda: Nung time na nasa bingit ako ng kamatayan, nandyan siya Sabi ni Snooky, “Kung hindi ako nagkaroon ng pride at pagdududa it was so uncalled for it’s just because I was just being possessive, jealous and proud.” Sobrang selosa raw ni Snooky sa panahong mag-asawa pa sila ni Ricardo “Sa lahat naman ng relasyon lalo’t pareho pa kaming artista meron at meron na..

.ayoko namang maging kiss and tell na kapag ang karelasyon mo ay artista maiintriga at maiintriga kayo. “So, ‘yung sa amin ni Richard o ni Ricardo Cepeda hindi naman kami naging immune sa mga taong gustong sirain ang aming pagsasama at pag hiwalay na kayo ay pagbabalikin naman.

“Isa sa mga downside ng showbiz (yan), di ba, ang mga artista napaglalaruan? (Tulad) o, sige pag-awayin natin ang mag-asawang ito kapag nag-away na at naghiwalay tuksuhin natin para magkabalikan, dito pumapasok na it can be a cruel industry. “So, ayun nagpadala ako sa ganu’n naapektuhan ako sa ganu’n naging mababaw ako,” kuwento ni Kooky. Tanon.