Ikinuwento ni Ruru Madrid na nakatikim siya ng totoong sampal mula sa veteran actor na si Philip Salvador na kaniyang mentor noon sa Kapuso reality TV series na "Protégé." Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, sinabi ni Ruru na sa studio mismo ng naturang programa siya unang sinampal ni Philip para mailabas ang kaniyang emosyon sa eksena. "Sinampal dahil nag-o-audition ako.

Tapos siguro hindi ko makuha 'yung eksena, it was the very first time," pagbabalik-tanaw ng "Black Rider" star. "Hindi siguro lumalabas 'yung emosyon ko. Ang monologue is pinabasa sa akin, about sa tatay na naglalasing," ayon pa kay Ruru.

Sa naturang eksena, kinompronta ni Ruru ang kunwaring ama niya na si Philip. Ngunit hindi umano naramdaman ng beteranong aktor ang emosyon ni Ruru na nagsisimula pa lang noon na pumasok sa showbiz. "Sabi niya, 'Isipin mo, ako ang tatay mo.

' Tumayo siya, lumapit siya sa akin, line (bumitaw ng linya). Pagsabi ko ng 'Alam mo 'tay,' Pang! (sinampal ni Philip si Ruru)," kuwento ng aktor. "Pagsampal niya sa aking gano'n, siyempre, first time eh, so hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.

Pero ang ginawa ko, tinuloy ko 'yung eksena," pagpapatuloy ni Ruru. Kahit na nagulantang sa sampal, umisip ng maibibitaw na linya si Ruru. "Ginawa ko, 'Kita mo sinampal mo ako! Bakit mo ako ginaganito?' Naiiyak na ako," sabi pa ni Ruru.

Nang makita na ni Philip ang emosyon ni Ruru, dito na siya hinangaan ng veteran action star. "Sabi niya, 'Good! 'Yan 'yung hinahanap ko sa 'yo,'" .