Hindi napigilan ng veteran actor na si Niño Muhlach na maging emosyonal nang ilahad niya sa mga senador na miyembro ng isang komite ang kalagayan ng anak niyang si Sandro nang ikuwento sa kaniya ang dinanas umano sa dalawang independent contractors ng GMA Network. Isinagawa nitong Miyerkoles ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senador Robin Padilla, ang pagdinig tungkol sa usapin ng umano'y pang-aabuso at panggigipit na nangyayari sa mass media industry. Hindi dumalo sa pagdinig ng komite si Sandro at ang mga independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, na nauna nang inireklamo ni Sandro sa GMA Network at sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Kaya talaga ako nasaktan nung kinuwento niya sa akin yung nangyari," saad ni Niño. "Kasi para makita mo ‘yung anak mo na nanginginig at hindi niya halos mahawakan ‘yung telepono niya nung kinukuwento sa akin yung ginawa sa kaniya." Ayon kay Niño, unang ipinaalam ni Sandro ang nangyari sa kaniya sa kapatid nitong si Alonzo.

“Sabi sa akin ni Alonzo, sinabihan daw siya ng kuya niya na, ‘Bro, sana huwag mangyari sa iyo ‘yung nangyari sa akin,’” saad ng dating child star. Puna ni Niño, kung nangyari sa kanila na kilala na sa showbiz ang pamilya, papaano pa raw kaya sa mga baguhan. “Hindi ko naman po binubuhat ‘yung aming bangko pero sa isang pamilya na talagang naging malaki na ang kontribusyon sa industriyang ito, what more na sa iba? What more sa mga ba.