Matapos ma-stranded ng 22 oras sa kalye sa kaniyang sasakyan dahil sa baha, masayang ibinahagi ng aktor na dumating na ang kaniyang "tagapagligtas" na tow truck. Kabilang si Michael sa napakaraming motorista na naapektuhan ng baha dulot ng malakas na ulan na ibinuhos ng Habagat at Super Typhoon Carina. Sa Instagram, ipinost ng aktor ang nangyayari sa kaniya nitong Miyerkules mula nang mag-pack up o matapos ang taping na kaniyang pinuntahan sa Cainta dakong 2:30 p.

m. Sa kaniyang unang update nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Michael na limang oras na siyang na-stranded sa kalye. Bukod sa hindi na madaanan ang kalsada dahil hanggang baywang na ang baha, nagloko na rin ang kaniyang kotse.

“There’s no sign of the flood receding. Oh my God, and my car is malfunctioning,” saad niya sa video post. “The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier.

It’s nighttime now, and I haven’t eaten. I guess we definitely shouldn’t have gone to work today,” caption niya sa post. Pagdating ng Huwebes ng umaga, nag-update si Michael na nasa kaparehong lugar pa rin siya, at 17 oras na siyang stranded.

"Naiiyak na ako. The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home," saad ng aktor sa post.

“Praying you’ll be home soon, my love. Hang in there,” komento ng kaniyang asawa na si Julie Reyes-Eigenmann. Pagdating ng hapon ngayong Huwebes, may magandang balita na si Mi.