Napuno nang hiyawan ang studio ng "It's Showtime" nitong Miyerkoles sa tindi ng performance ng first global girl group na KATSEYE na inawit at sinayaw ang kanilang hit song na "Touch." Kabilang sa mga nanonood mula sa audience sina celebrity doctor Vicki Belo, at singer-actress Carla Guevarra at mister nito na si chef Godfrey Laforteza, na magulang ni Sophia Laforteza, ang nag-iisang Pinay member ng KATSEYE. Binati ng grupo ang mga manonood ng, “What’s up, Madlang Pipol!” at nagpakilala isa-isa: sina Manon, Lara, Daniela, Megan, Yoonchae at Sophia “What’s up, Madlang People! Wow.

Uy, Philippines!,” sabi ni Sophia, na tumatayong lider ng grupo. “You guys are amazing!,” sigaw naman ni Manon. Kinausap at binati naman ng "It's Showtime" host na si Ryan Bang ang kaniyang kababayang Korean member ng grupo na si Yoonchae.

“I’m so happy to see you all finally and thank you for supporting us. I love you, mahal kita!,” sabi ni Yoonchae, na ipinaalam ni Ryan na maraming Pinoy ang nagmamahal sa mga Korean. Nasa bansa ang KATSEYE mula September 17 hanggang 19.

Mamayang 6:00 pm., mayroong fan showcase ang grupo na "KATSEYE: Touchdown in Manila," sa Ayala Malls Market! Market! sa Taguig City. Sa press conference nitong Martes, sinabi ng KATSEYE na nais nilang maka-collaborate sina Liza Soberano at Niana Guerrero.

Mula sa Pilipinas si Sophia, habang mula sa Amerika sina Daniela, Lara, at Megan. Galing naman sa Switzerland si Manon, at sa South Korea si Yoonchae. Ang KAT.