Naglabas ng pahayag si Julie Anne San Jose para humingi ng paumanhin sa kaniyang pagtatanghal sa isang event sa loob ng isang simbahan na naging viral. "I am offering my apologies," saad ng singer-actress. "Many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress.
" Ayon sa aktres, ang tanging layunin niya ay, "to share joy and give support to the church through the benefit concert." "I truly sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it not be repeated," pahayag pa ni Julie Anne.
Inihayag din Sparkle artist na, "I have strong belief and my faith is unbreakable and cannot be shaken." "I pray that we can all move forward with compassion in our hearts. Thank you," pagtatapos niya.
Ang pahayag ni Julie Anne ay kaugnay sa viral niyang pagtatanghal sa loob ng Nuestra Señora del Pilar Parish na inawit niya ang "Dancing Queen." Nauna nang naglabas ng pahayag at humingi ng paumanhin ang Sparkle Artist Center kaugnay sa naturang insidente. Inako rin nila ang buong responsibilidad para kay Julie Anne, at inihayag na, "Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional.
" "She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church and its members," ayon sa Sparkle. Humingi ng paumanhin ang Sparkle sa lahat ng na-offend sa nangyari at kay Julie Anne. — FRJ, GMA Integrated News.