Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse and harassment “AKO ay na-rape po, your honor,” ang diretsahang rebelasyon ng singer-actor na si Gerald Santos sa naganap na Senate hearing ngayong araw. Inamin ni Gerald na ginahasa siya ng dating musical director sa isang TV network, 19 taon na ngayon ang nakararaan. Sa pagharap ng binata sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media, na nag-iimbestiga sa mga kaso ng sexual abuse sa entertainment industry, naibahagi niya ang ilang detalye sa naranasang panghahalay mula sa kamay ng hindi pinangalanang musical director.

“Ako po ay hindi po na-harass, hindi po na-abuse. Ako ay na-rape po. Na-rape po ako, your honor,” ang pahayag ni Gerald sa mga senador.

Baka Bet Mo: Gerald Santos sa mga nagsasabing mag-move on na siya: Mali po ‘yan Ang sumunod na tanong ni Sen. Jinggoy Estrada kay Gerald, “There are a lot of definitions of rape. How did you say it was rape? “Handa po akong ikwento dito ang nangyari, pero ako po ay natatakot na baka po ako ay balikan ng mga taong ito,” aniya pa.

Pagpapatuloy ng “Pinoy Pop Superstar” alum, nangyari ang insidente noong 2005 at 15 years old pa lamang daw siya noong maganap ang pangre-rape sa kanya. “For 19 years kinip ko lamang ito dahil sa takot ko nga po, sa kahihiyan. Hiyang-hiya po talaga ako lalo na noon dahil ‘yung grupo na nasa loob ay parang dini-dismiss lang nila ‘yung sinabi ko, na parang mag-move on ka na lang kasi kalakaran ‘yan dito,”.