Muling nakaladkad ang pangalan ni Arra San Agustin sa napaulat na hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos. Kaya sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, tinanong si Arra kung may relasyon ba sila ni Paolo. "No.

Hard no," sagot ni Arra kay Tito Boy, at tinawag ng aktres na "kuya" si Paolo. Nitong nakaraang Nobyembre, inihayag ni Paolo sa naturang programa ni Tito Boy na single na muli siya, na pagkumpirma sa mga lumabas na haka-haka na hiwalay na sila ni Yen. Pero taong 2023 pa lang, may mga espekulasyon na ang netizens tungkol sa umano'y relasyon nina Arra at Paolo nang magkasama sila bilang mga host ng isang dating noontime show.

Pero paliwanag ni Arra, love triangle skit lang o kunwari lang ang tuksuhan sa kanila sa naturang show kasama si Kapuso comedian Betong Sumaya. "'Yung mga tao, they cut out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines na ako daw 'yung third party, so nag-start po 'yan last year," paliwanag niya. "Tapos for some reason, nag-resurface po siya, itong news na 'to, and fake news, fake 'yung source, dun po siya galing and I don't know why karamihan sa mga tao naniniwala," patuloy ni Arra.

Pinuna ng aktres ang panganib ng social media dahil sa mga lumalabas na maling impormasyon na kaagad pinapaniwalaan ng ibang tao. "We can easily be manipulated or gaslighted by a single headline lang na hindi naman pala totoo. So what, is it really real, ano ba talaga 'yung totoo? Anong totoo sa social media? No.