Bukod sa pagiging actor at chef, naghahanda na rin si Victor Neri sa pagkuha niya ng bar exam upang maging abogado. Sa isang episode ng programang "Sarap 'Di Ba?" na host si Carmina Villaroel, naging guest ang mga 80's action stars na sina Victor Neri at Jestoni Alarcon. Sa naturang show, inihayag ng dalawa na wala silang pinagsisihan na projects na ginawa nila noon.

"Wala naman. Lahat naman ng project na ibinigay sa akin happy ako. Kasi nag-umpisa ako sa comedy films, drama, horror-drama, action, romance," saad ni Jestoni na happy rin sa kaniyang mga naging TV projects.

Ayon naman kay Victor, pinili nila ng kaniyang management team ang mga naging proyekto nito noon para sa pag-abante ng kaniyang career. "Ever since I started, pagsimula pa lang namin, piling-pili lahat. Every project na ginagawa ko is a career decision na aabante yung career ko," paliwanag niya.

Kaya naman kung babalikan daw ang nakaraan, sinabi nina Jestoni at Victor na wala silang kailangang baguhin sa kanilang career. Pero biro ni Jestoni, maliban na lang sa isang photoshoot na ipinagawa sa kaniya noon na kailangan niyang magpa-sexy para sa promo ng isa niyang pelikula. Pag-amin ng aktor, hindi siya sanay sa pagpapa-sexy.

Sa huling bahagi ng panayam, binati at nag-goodluck si Carmina kay Victor. Humingi rin muna ng permiso si Carmino sa actor-chef kung puwedeng ipaalam sa publiko ang kaniyang pinaghahandaang exam. Nang pumayag naman si Victor, si Carmina na ang nagsabi na ang aktor na magsabi tungkol sa ka.