Inihayag ng abogado ng dalawang independent contractors ng GMA Network na hindi sisipot ang kaniyang mga kliyente sa gagawing pagdinig ng komite ni Senador Robin Padilla kaugnay sa umano'y sexual harassment na ginawa sa isang artista ng nasabing network. Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sinabi ni Atty. Maggie Abraham-Garduque sa isang pahayag, na nakatanggap ng imbitasyon sa komite ni Padilla ang kaniyang mga kliyente na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Nauna nang inihayag ni Robin, chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na magsasagawa siya ng imbestigasyon tungkol sa usapin para malaman ang katotohanan. Walang binanggit na mga pangalan si Robin nang ihayag niya ang gagawing imbestigasyon. Pero nauna nang nagpadala ng reklamo si Sandro Muhlach, anak ng veteran actor na si Niño, sa GMA Network laban sa dalawang dalawang independent contractors ng network.

BASAHIN: Niño Muhlach sa sinapit ng anak na si Sandro: 'Our family has suffered so much' “Hindi po natin sinasabi na may sabit dito ang GMA7. Hindi po. Ang sinasabi natin dito, kailangan magkaroon ng malinaw, malinaw na pagpapaliwanag sa committee ng mass media ang naganap na ito,” sabi ni Padilla.

May hiwalay na reklamo rin na inihain si Sandro laban sa dalawang nabanggit sa National Bureau of Investigation, na padadalhan na ng subpoena. Ayon kay Garduque, nakatanggap ng imbestigasyon sa komite ng Senado sina Nones at Cruz, "to attend and join in the discussion on t.