Mabilis na nagbalik-tanaw si Rhian sa kaniyang tagal sa industriya at sinabing nasa “best years” daw siya ng kaniyang karera ngayon. Aniya, “I really feel like I'm living the best years of my career right now kasi I've been getting some challenging roles, so it's definitely not boring. 'Yung parang na-cha-challenge pa rin ako at nahihirapan.
” Masaya ring binahagi ni Rhian Ramos na nasa magandang estado ito ngayon sa kaniyang sarili at sinabing may bago itong natagpuan sa kaniyang pagkatao.Ani Rhian, “I've really discovered a new confidence about myself, where I accept myself. I'm unapologetic about it.
I'm not perfect, but I like everything about myself.” Nang pag-usapan ang highlights ng showbiz career, sinabi ni Rhian Ramos na ilan lamang sa mga hindi nitong makakalimutang proyekto dahil sa mga lessons na nakuha niya ay ang Captain Barbell, LaLola, Stairway To Heaven, The Rich Man's Daughter, at Royal Blood. Sa kabila ng matayog na karera ni Rhian Ramos, inamin niyang mayroong mgapagkakataon na binalot siya ng challenges at intriga.
“There were times na ang dami, dami, dami talagan intriga that [were] going around about me, and I couldn't understand. I think this is like the third or fourth year of my career, and also I was young, so I was really affected,” saad ni Rhian. Emosyunal si Rhian Ramos nang balikan niya ang pinakamabigat na taon niya sa showbiz, na nalampasan na niya ngayon.
Anyia, “I'm so glad na, can you believe, I'm here at this point na I fou.














