featured-image

Ikinagulat ni Gabbi Garcia ang anunsyo noong Sabado (March 22) sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition nang ipakilala na ang bagong house guest sa Bahay ni Kuya.Excited na inanunsyo ni Gabbi Garcia bilang host kasama si Bianca Gonzalez ang susunod na Kapuso star na papasok sa Bahay ni Kuya. Pero, laking gulat nito nang ang ipakita sa screen ay mismong video niya, at opisyal siyang ipinakilala ni Robi Domingo bilang bagong house guest sa Bahay ni Kuya.

"Hoy! Totoo ba 'to?" hindi makapaniwala na tanong ng aktres. "Gutom pa ako. Wala akong kakaining weekly budget.



Tinapat n'yo talaga ako sa natalo sila. Totoo ba 'to?"Nang tanungin ni Bianca kung ano ang nararamdaman niya sa sorpresang ito ni Kuya, ani Gabbi, "Hindi ko alam. Alam mo 'yon, it's always in the back of my head na 'Shocks! Anytime baka ipasok ako.

' Pero, like now it's happening for real, 'Oh my god.'"At saka, Kuya itinapat n'yo talaga ako sa walang weekly budget 'yung housemates," namomroblemang sabi ni Gabbi.Hindi makakakuha ng weekly budget ang housemates nang matalo sa ikalawang weekly task ni Kuya, kung saan nagkamali sila sa kanilang one shot 18-minute film nang makita ng tatlong beses ang reflection ng ibang housemates.

Panoorin ang anunsyo kay Gabbi Garcia bilang bagong house guest sa Bahay ni Kuya sa video na ito: Samantala, bukod sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, abangan si Gabbi Garcia sa TV premiere ng pinakabagong murder mystery series na SLAY ngayong March 24, 9:25 p.m. sa GMA.

KILALANIN.

Back to Entertainment Page